Mga Stablecoin
Digital money na magagamit araw-araw
Ang mga stablecoin ay mga Ethereum token na ginawa para hindi magbago ang halaga, kahit na magbago ang presyo ng ETH.

Bakit dapat gumamit ng mga stablecoin?
Ang mga stablecoin ay mga cryptocurrency na walang volatility. May mga kakayahan itong kapareho ng sa ETH pero hindi nagbabago ang halaga nito, parang tradisyonal na currency. Ibig sabihin, mayroon kang access sa stable na perang magagamit mo sa Ethereum. Paano nagiging stable ang mga stablecoin
Magagamit sa iba't ibang bahagi ng mundo ang mga stablecoin, at maipapadala ang mga ito sa pamamagitan ng internet. Madali silang matanggap o maipadala kapag mayroon ka nang Ethereum account.
Mataas ang demand sa mga stablecoin, kaya pwede kang kumita ng interes kapag ipinautang mo ang iyo. Siguraduhing alam mo ang mga panganib bago magpautang.
Pwedeng i-exchange ang mga stablecoin sa ETH at iba pang Ethereum token. Maraming decentralized applications (dapps) ang umaasa sa mga stablecoin.
Ang mga stablecoin ay pinoprotektahan ng cryptography. Walang sinumang makakapagsagawa ng mga transaksyon sa iyong ngalan.
Ang sikat na Bitcoin pizza
Noong 2010, may bumili ng 2 pizza gamit ang 10,000 bitcoin. Noong panahong ito, ~$41 USD ang katumbas nito. Sa kasalukuyang market, katumbas iyon ng milyong-milyong dolyar. Maraming nakakapanghinayang na transaksyon sa kasaysayan ng Ethereum na katulad nito. Malulutas ng mga stablecoin ang ganitong problema, kaya makakain mo ang pizza mo at maitatabi mo ang ETH mo.
Maghanap ng stablecoin
Mayroong daan-daang stablecoin. Narito ang ilan para matulungan kang magsimula. Kung bago ka lang sa Ethereum, inirerekomenda naming mag-research muna.
Pili ng Editors'
Sa ngayon, ito ang mga pinakakilalang halimbawa ng mga stablecoin at mga coin na sa tingin namin ay kapaki-pakinabang kapag gumagamit ng decentralized applications (dapps).
Dai
Maaaring Dai ang pinakasikat na decentralized stablecoin. Katumbas ng humigit-kumulang isang dolyar ang halaga nito, at tinatanggap ito sa maraming decentralized applications (dapps).

USDC
Ang USDC ay maaaring ang pinakasikat na fiat-backed stablecoin. Halos katumbas ng isang dolyar ang halaga nito at sinusuportahan ito ng Circle at Coinbase.

Mga nangungunang stablecoin ayon sa market capitalization
Ang market capitalization ay ang kabuuang bilang ng mga token na na-multiply sa halaga kada token. Nagbabago ang listahang ito at hindi ineendorso ng ethereum.org team ang mga proyektong nakalista rito.
Currency | Market Capitalization | Uri ng collateral | ↗ |
---|---|---|---|
![]() | $97,901,264,807 | Fiat | Go to Tether(opens in a new tab) |
![]() | $28,195,029,431 | Fiat | Go to USDC(opens in a new tab) |
![]() | $4,950,123,553 | Crypto | Go to Dai(opens in a new tab) |
![]() | $1,253,379,457 | Fiat | Go to TrueUSD(opens in a new tab) |
![]() | $647,838,937 | Algorithmic | Go to Frax(opens in a new tab) |
![]() | $404,882,724 | Precious metals | Go to PAX Gold(opens in a new tab) |
Paano makakuha ng stablecoins
Ang kakailanganin mo
Kakailanganin mo ng wallet para pahintulutan ang swap at i-store ang mga coin mo
Para bayaran ang swap
Tip ng mga editor
Kumuha ng wallet kung saan makakabili ka ng ETH at maipapa-swap mo ito sa mga token nang direkta, kasama na ang mga stablecoin.
Maghanap ng mga walletDecentralized applications (dapps) para sa pag-swap ng mga token
Kung mayroon ka nang ETH at wallet, pwede mong gamitin ang mga dapp na ito para magpa-swap sa mga stablecoin. Iba pang detalye tungkol sa mga decentralized exchange
Ang kakailanganin mo
Isang account na may exchange o wallet kung saan direkta kang makakabili ng crypto. Maaaring nakagamit ka na nito para kumuha ng ETH. Alamin kung aling mga serbisyo ang magagamit mo sa kung saan ka nakatira.
Tingnan ang mga serbisyo na magagamit mo sa kung saan ka nakatira
Ang kakailanganin mo
Magandang pambayad para sa gawain at mga serbisyo mo ang mga stablecoin dahil stable ang halaga nito. Pero kakailanganin mo ng wallet para mabayaran.
Kakailanganin mo ng wallet para matanggap ang mga kinita mong stablecoin
Saan kikita ng mga stablecoin
Babayaran ka ng mga platform na ito sa stablecoin para sa gawain mo.


Ang kakailanganin mo
Para manghiram ng mga stablecoin, kakailanganin mong gamitin ang angkop na decentralized application (dapp). Kakailanganin mo rin ng wallet at kaunting ETH.
Kakailanganin mo ng wallet para gumamit ng decentralized application (dapp)
Kakailanganin mo ng ETH para sa collateral at/o mga bayarin sa transaksyon
Crypto collateral
Gamit ang Ethereum, direkta kang makakahiram sa iba pang user nang hindi tine-trade ang ETH mo. Mapapakinabangan mo ito – ginagawa ito ng ilan para subukang makaipon pa ng ETH. Iba pang detalye tungkol sa mga crypto-backed stablecoin
Pero dahil pabago-bago ang presyo ng ETH, kakailanganin mong mag-overcollateralize. Ibig sabihin noon, kung gusto mong manghiram ng 100 stablecoin, posibleng kailaganin mo ng hindi bababa sa halagang $150 ng ETH. Pinoprotektahan nito ang system at mga lender.
Mga mahihiraman ng mga stablecoin
Sa tulong ng decentralized applications (dapps) na ito, makakahiram ka ng mga stablecoin gamit ang crypto bilang collateral. Tumatanggap ang ilan ng iba pang token, pati na rin ng ETH.
Mga panganib
Kung gagamitin mo ang ETH bilang collateral at bababa ang halaga nito, hindi masasapatan ng collateral mo ang mga stablecoin na makukuha mo. Dahil dito, mali-liquidate ang ETH mo at maaari kang patawan ng penalty. Kung kaya, kung manghihiram ka ng mga stablecoin, kakailanganin mong bantayan ang presyo ng ETH. Pinakabagong presyo ng ETH
Makatipid sa mga stablecoin
Kadalasan, mas mataas kaysa sa average ang interest rate ng mga stablecoin dahil maraming humihiram nito. Sa ibang decentralized applications (dapps), pwede kang kumita ng interes sa mga stablecoin mo nang real time sa pamamagitan ng pagdeposito ng mga ito sa isang lending pool. Katulad sa mundo ng pagbabangko, nagsu-supply ka ng mga token para sa mga borrower pero pwede mong i-withdraw ang mga token mo at interes mo anumang oras.
Decentralized applications (dapps) na kumikita ng interes
Pakinabangan ang stablecoin savings mo at kumita ng interes. Tulad ng lahat ng bagay sa crypto, pwedeng magbago araw-araw ang tinayang Annual Percentage Yields (APY) depende sa real-time na supply at demand.
0.05%
Ang average na rate na binabayaran ng mga bangko sa mga basic at federally insured na savings account sa USA. Source(opens in a new tab)Paano gumagana ang mga ito: mga uri ng stablecoin
Palaging mag-research
Algorithmic stablecoins are experimental technology. You should be aware of the risks before using them.Fiat backed
Pros
- Ligtas sa crypto volatility.
- Maliit lang ang mga pagbabago sa presyo.
Cons
- Centralized – may mag-iisyu ng mga token.
- Kailangan ng auditing para tiyaking may sapat na reserves ang kumpanya.
Mga halimbawang proyekto
Crypto backed
Precious metals
Algorithmic
Magbasa pa tungkol sa mga stablecoin
Dashboard at Edukasyon
- Magsimulato Stablecoins.wtf website(opens in a new tab)Stablecoins.wtfAng "Stablecoins.wtf" ay nag-aalok ng dashboard na may historical na market data, mga estadistika, at educational content para sa mga pinakakilalang stablecoin.